ScribbledBabbling.com

From the voices in my head

ScribbledBabbling.com header image 2

Weird Meter

June 28th, 2007 · 4 Comments

I was tagged by my friend, Rose tagal na kong di nagbloghop kaya ngayon ko lang nakita itong meme na ito. since naglilikot naman utak ko, mabuting pang pagbuhusan ko na lang ng panahon din.

THE RULE: Each player of this game starts with 6 weird things about himself or herself. People who get tagged need to write a blog entry of their own as well as state the rule clearly. In the end, you need to tag 6 people and list their names. Don’t forget to let them know they’ve been tagged!

    Since ka-weirduhan naman ang usapan… Nung high school, may kabarkada akong nagsabi na may “spectrum of weirdness”. Kasi marami kaming kilala na weird in their own way pero kung ipaghahambing mo, sobrang lalayo naman ng mga ugali. Itinuring na rin naming weird ang mga sarili namin dahil nga nag-iisip kami ng mga ganung bagay. AT dahil sa marami ngang weird sa paligid namin, napaisip kami na baka naman normal na talaga ang pagiging weird.
    Late 20’s na ako pero meron pa rin akong mga “imaginary friends”. (teka di na ata ito weird, mental instability na ata.) Kaya nga “from the voices in my head” ang subtitle nitong blog ko kasi nakikipag-usap ako sa sarili ko. Minsan, hindi pa sa Ingles o sa Filipino ang usapan sa utak ko. Nagkaroon ng pagkakataon na sa Deutsche o kaya ay sa Espanyol ang mga pag-uusap na ito!
    Ayoko ng mga pusa pero may koleksyon ako ng mga laruang pusa. Ilang garfield na laruan at kung anu-anong kapusaan ang mga naka-display sa kwarto ko. Ngayon nga may bago pa akong alaga, si Puss in Boots na naka-litrato dito. May pusang nagsimulang tumambay sa bahay namin mga ilang buwan pa lang na nakakalipas dahil pinapakain ng lola ko. Dahil madalas syang pumuwesto sa gitna ng daan, pinangalanan ko siyang “Tabi”. Yung pusang kaaway naman niya, si “Alis”.
    Kapag hindi ako makatulog, nag-iimagine ako ng mapa ng US sa harapan ko. Since di naman ako maka-relate sa tumatalong tupa, di ko magamit yun na pamamaraan. Ano naman ang ginagawa ko sa mapa? Iniisa-isa ko yung mga states mula sa west coast hanggang sa east coast. Sinubukan ko na rin minsan na mapa ng Pilipinas ang gamitin pero nalilito ako sa pag-iiba-iba ng mga pangalan at boundary.
    Addict ako sa trivia. Basta mga bagay-bagay na may kinalaman sa general knowledge nandun ako. Ang madalas kong basahin ngayon e yung Freakonomics blog at mental_floss blog dahil sari-saring impormasyon ang napupulot ko. Malay mo balang araw ay kailanganin kong makabili ng hamster-powered na shredder.
    Excited ako kapag may pop culture references sa mga palabas na pinapanood ko. Mula sa mga ala-Mr. Burns na “Excellent!” ni Veronica Mars at Xander, panonood ng Passions ni Spike hanggang sa pagtawag ni Matt Albie na Calico Girls sa palabas ni Lauren Graham, napapatalon ako sa tuwa. Imagine mo na lang kung ano ginagawa ko sa loob ng sinehan nung nanood ako ng Shrek 2. Kinailangan ko kaya ng seatbelt nun para manatili sa upuan ko.

Ewan ko kung ka-weirduhan nga talaga ito o kaya kasiraan na nga bait. Pero aliw namang balikan kung anu-ano pinaggagagawa ko sa buhay ko.

I’m tagging an2net, erfy, katie, kaka, luthien and mate. Try nyo lang, panlabas ng stress.

Tags: Slice-of-Life

4 responses so far ↓

  • 1 an2net // Jun 29, 2007 at 10:49 pm

    *Grumble Grumble*

    No wonder you’re having me read this one. YOU TAGGED ME.

    WHHHHHHY?!??! WHY I SAY?!

    Sige will do the illustrations soon. Gotta think of 3 more people to tag. With such limited imaginary friends, me, myself and I. Bwhahaha. :)

  • 2 beatlebum // Jul 1, 2007 at 1:51 pm

    pareho tayo! haha! pop culture references in tv shows/movies excite me too! :)

  • 3 ScribbledBabbling.com » Blog Archive » Mock Me! // Jul 2, 2007 at 10:33 pm

    [...] « Weird Meter [...]

  • 4 Tagged!: ScribbledBabbling.com // Feb 21, 2008 at 5:40 am

    [...] found the original one I answered here. What do you know, number 6 then is still number 6 now. [...]

Leave a Comment